Tow truck adventure

Last Saturday binalak namin pumunta sa pelican feeding sa The Entrance. Nowadays kase natutuwa na si Caleb sa mga animals kaya we were excited na makita niya ung mga pelicans. Anyway, nagising kame ng normal lang na oras kase balak namin umalis ng mga lunch time, hopefully makatulog c Caleb sa byahe, mga 1 hour 40 minutes din kase un. So nung nagbyahe na kame, it started out fine. Hindi makatulog si Caleb kaya nagmusic na lang kame. Medyo mga 1 hour into the trip, asa main highway na kame sabi ni kenny parang may helicopter na sumusunod sa amin. Sabi ko naman tayo un e. But naive that I was hindi ko alam na it was a sign that there was something wrong with the car. Nasa isang bend kame sa highway nang nagdecide si Kenny na mag pull over sa shoulder. True enough, sobrang flat nung gulong sa passenger side sa likod. Kaso dahil asa bend kame at sobrang daming truck at sasakyan na dumadaan ng 100 kph, hindi kame makapagpalit ng gulong. Tumawag si Kenny sa NRMA (insurance provider) para makapag request ng tow truck. Buti na lang talaga at may road side assist na kame. Kaso mga 40 minutes pa daw bago dumating. So andun kame dangerously close to fast oncoming vehicles habang nagaantay ng tow truck. At this time medyo nag cranky na si Caleb kaya pinakain ko na lang muna, buti at may baon ako kanin para sa kanya. Tinanggal ko na din muna siya sa carseat dahil pawis na at basa na ang diaper. Nakapagpalit kame ng diaper at nabihisan ko siya sa loob ng sasakyan.

Anyway, dumating ung tow truck at kailangan isakay ung sasakyan (hindi hihilain dahil flat nga). At dahil may baby kame, kailangan pang ilipat ng carseat ni Caleb dun sa truck. So sumakay kame sa truck, si Caleb may upuan, ako kalong kay Kenny hahaha. Short trip lang naman, pero kakaibang experience din un. Nakakatawa lang kase c Caleb medyo mahilig siya sa mga trucks ngayon tapos napasakay pa siya ng wala sa oras. Hinatid kame nung tow truck sa isang vacant lot off the highway at dun na nagpalit ng gulong si Kenny. At this point, mga past 3 pm na ata at wala pa kameng lunch. Naglakad lakad lang kame muna ni Caleb habang nagaantay. After mapalitan ung gulong nag decide na kame umuwi na lang. Haaay what an adventure! Classic na walang nangyari sa pinlano. Pero thankful pa din ako kay God for protecting us habang asa byahe, habang nagaantay ng tow truck, habang nagpapalit ng gulong, hanggang sa makauwi. Sobrang pagod naming tatlo pagdating sa bahay pero ok naman. Thankful lang ako na nakauwi kame ng maayos. Next year na lang siguro namin puntahan ung pelican hehe.

Comments

Popular Posts