Driving again

It's been a few years since I last practised driving. Last 2017, medyo nag ddrive na talaga ako from where we park sa Birrong station hanggang dito sa bahay. Sayang nga at hindi ako nakapag exam nun kase nung nabuntis ako natigil din ako sa practice. Ngayong winter na lang ulit medyo nag start na kame ni kenny mag practice driving (..ulit hehe). Shempre iba na ngayon dahil dala namin si Caleb, most of the time behave naman siya pero minsan nakaka ngarag din pag maingay na siya.

Anyway, na inspire naman ako sa mga iba kong kakilala na first time mums din na nagddrive na. I mean pati nga si Timmy nag ddrive na (hindi na nya ko hinantay hahaha). So I figured dapat lakasan ko na talaga ung loob ko at makapag exam na. Besides next year mag eexpire na ung learner's license ko. Ayaw ko naman i retake pa ung learner's exam hehe.

Anyway, a little bit of history sa aking driving experience. Nung 16 years old ako pinag driving school na ako nila mama. Medyo na trauma ata ako nun dahil dun sa instructor ko at manual din ung kotse na ginagamit. For the life of me, hindi ko talaga magets ung manual na kotse. Pero nung nakapagtry ako nung automatic, parang nagustuhan ko naman kaso lang manual din ung pinagppractisan ko kaya waley talaga. Hindi ko gets. Umiyak ako nung last day nung driving lessons nung nagpractice kame nila mama and papa kaya sabi nila hindi pa daw ako ready.

So fast forward na ngayong andito kame sa Australia. Mga 2015 ata nung nagstart ako mag practice with kenny kaso madalas nag aaway lang kame kaya I opted na mag driving school na lang muna. Ung friend ko sa work, may sinuggest sya sa akin na driving instructor dun sa Mt Druitt kaya siya ung kinuha ko. Mga naka anim na lessons din ata ako sa kanya. Ang mahal lang kase $50 per hour ung bayad e kaya sabi ko tama na muna. Anyway, hindi din ako nag practical pa nun kase I didn't really feel na I was ready. And then nung 2017 ayun nga pinapagdrive ako ni Kenny from station to house bilang everyday pareho naman ung ruta namin at mga approximately 1o minutes drive lang naman un.

So as you can see napaka big mountain to climb talaga para sa akin itong driving na to. Hopefully, I can really conquer this challenge at makakuha na ng P license this year. Balak ko mga September or October ako mag book ng test. Just thinking about it kinakabahan na ako. Pero malayo pa naman. Kelangan ko pa mag pray ng more confidence at shempre more practice din. Ayaw ko naman maunahan pa ko ni Caleb mag ka driving license no hehe.

Comments

Popular Posts