Malapit na magpasko (Christmas 2020)
It's been awhile since I last updated you on our lives here. Heto na at December na nga, ilang linggo na lang at shutdown na naman kame. Next week ay 3rd birthday na ni Caleb! Bilis ng panahon. Unlike his other birthdays, hindi kame umuwi ng Pilipinas dahil sa covid situation pa din. Buti na lang dito sa Australia ay medyo na suppress talaga ang pagkalat ng virus kaya more or less ay balik na sa normal ang buhay ng mga tao. Ako nga ay balik na sa fulltime work in office (though 3 days lang naman ako nagwork). Si Kenny WFH pa din ng 4 days at Friday siya sa office. Si Caleb naman ay balik na sa daycare.
Anyway, nagChristmas party nga ang aming team kahapon. Nag picnic kame dun sa park sa tapat ng Macquarie Centre. Nilibre kame ng burgers na takeout from Healthy Burgers at naglaro ng Finska. Ka-team ko na nga din si Gab e, ung anak nila Tita Pinky and Tito Louie. Sobrang small world no haha. Masaya naman at nakapag bonding kahit papano sa mga ka team ko. Medyo bago lang kase kame dun sa team na un kase nalipat kame ng manager.
Actually sa wala pa kong isang taon sa trabaho kong un, naka 3 manager na ako. Medyo nahirapan talaga kameng tatlo na galing Finance nung lumipat kame ng manager pero un nga sanayan lang cguro. Ibang iba kase ung management style nya e.
Anyway ulit si Caleb ay makiki birthday na lang kanila Tita Pinky. Kase ung birthday talaga nya balak namin pumunta sa zoo. Kaya sa saturday, magdala na lang kame ng konteng handa.
Sa Christmas shopping naman, most of it online na lang. Lalo na nung blackfriday sale. Nakadami din ako. Mostly ata dun ko na binili. At masaya din ako na nakabili na kame finally ng Dyson vaccuumm! haha adulting talaga.
Sa Covid situation update naman. May mga vaccines na sinimulang irollout sa mga ibang bansa like sa UK at Canada. Ung sa US mag start na din ata. Dito sa Australie baka March yata, yan ang huli kong balita.
So un na lang muna. Merry Christmas sa lahat kahit sa pandemic year na ito. Hopefully and prayerfully, matapos na ito next year.
Comments
Post a Comment