Caleb at Taronga Zoo

Yesterday was the Queen's Birthday holiday kaya pumunta kame sa Taronga Zoo. Caleb is so into animals lalo na ung mga giraffe, koala etc kaya naisip namin na matutuwa na siya sa zoo. We arrived around 1 pm at sure enough andaming tao dun. Punong puno ung parking and it took us around 20 minutes nang kakaikot to find a parking space. After nakapagpark na, naglunch muna kame sa cafe. Nagbaon naman ako pero si Caleb hindi siya mashadong kumain medyo busog pa din kase dahil nagmilk siya sa byahe.

Pagpasok na talaga namin, nilagay na ni kenny si Caleb sa baby carrier para mas mobile kame. Ang una naming pinuntahan ay ung koala. Hindi katulad sa Featherdale, medyo puro tingin lang talaga dito sa Taronga, hindi mo pwede hawakan ung mga animals.

And then we proceeded on finding the other animals gamit ung map na provided dun. Medyo mahabang lakaran din. Nakita naman namin ung mga animals na hinanap namin na alam na ni Caleb like giraffe, Koala, kangaroo, elephant. Pero ang nakakatuwa sa kanya parang mas natuwa pa siya sa mga ibis at pigeon na nagkalat doon kesa dun sa mga animals na pinuntahan talaga namin. Medyo antok na antok na din talaga siya kaya siguro mababa na ang excitement level hehe pero in fairness natapos naman naming ikutin. Hindi na nga lang namin napuntahan ung mga tigers kase sobrang haba ng pila. Nag meryenda muna kame bago magtungo ulit papunta sa exit which was at the other end of the zoo. Nung pauwi na kame nilagay na ulit ni Kenny si Caleb sa carrier para makatulog na. Kapagod din pero masaya naman. Excited din kase kame ni Kenny e dahil first time din namin sa Taronga.

Here are some pictures we took at the zoo, hope you like them






Comments

Popular Posts