Project A update

Medyo full swing na ang construction ng project A. Lumabas na daw ang building permits kaya go na go na talaga. Pero bago yan, backstory muna.

Nung andun pa kame sa America ni Kenny, un ung mga panahon na medyo tight pa ang budget, pero masayang mangarap. Minsan umuupo kame dun sa may bench sa tapat ng CTown (grocery sa jersey city malapit sa apartment namin) tapos maguusap lang kame ng mga pangarap namin for the future. Ung mga tipong we have no idea how it'll happen pero wala lang kwentuhan lang naman. Hindi lang namin alam, we are actually laying the blueprints of what is going to happen sa buhay namin. Sabi nga nila, merong principle of autosuggestion pero para sa akin, un ay mga desires na pwede mong ipagpray kay Lord. Kung will naman Niya, edi magkakatotoo. Anyway, isa nga dun ay ung project A. Un ung nickname namin dun kase actually dream namin na mag ka apartments sa LB. Dun kase kame nagkakilala, dun marami ung mga memories namin at isa pa nakita talaga namin ung potential niya for business. Kaya siya Project A kase "Project Apartment". Pero as it turned out, naging dorm na siya.

So we purchased the lot last 2016. Nagipon ulit after that (nagka Project B (as in Baby) in between), and last uwi nga namin ay naghanap na kame ng contractor. We decided na 1 floor lang muna dahil un lang kasya sa budget as of now. Hindi kame nag loan kaya lahat sa savings lang. Ayaw din kase namin ng sobrang risk kaya we opted na wag na mag loan.

Nag downpayment na kame sa project A. Medyo substantial na din ang nailabas naming funds. Medyo kulang pa kame ng onte pero Godwilling, mabubuo din namin un. Sana lang makisama ung exchange rate at ung stock market dahil ung iba naming funds asa market pa.

Sila Mama Loi at Daddy Alex ang matyagang nag pupunta ng LB para icheck ung status nung construction. Buti na lang andyan sila. Sila din kase ang binigyan namin ng S.P.A. para makipag meet kanila Sir Edwin (San Marino Builders). Kaya every 2 weeks ata ay pumupunta sila dun. Nagdadala din daw sila ng foods para sa mga workers. Sila mama, papa, mama inday at kambal ay bumisita din sa construction nung saturday kaya nakita na din nila ung progress.

Here are some pictures na pinadala nila sa amin. How I wish na andun din kame para makita talaga namin first hand pero sabi ko nga kay kenny kung andun kame hindi naman kame makakaipon hehe.








Sige dito na lang muna. Hopefully, I can post more updates as the construction progress.

Comments

Popular Posts