Winter Bug

Feeling ko, for the longest time, winter pa din.. parang last year pa tong winter na to e (from the USA) tapos pumunta kame dito at ngayon winter na naman.. Haaay tama na ang lamig ayaw ko na. Pero compared sa winter sa USA, sobrang mild na ang winter dito. Tipong pang fall lang ang outfit ko. Or medyo sobra ko atang ina-underestimate e. Anyway, hinihika naman ako ngayon dahil sa lamig na inabot ko kahapon. Tumagal ng buong gabi at buong araw ngayon ung hika ko.. Haaay tama na please.. Still had to go to work though, kahit na medyo naririnig na nila ung pag hinga ko ng malalim sa office. Ayaw ko pa naman mag absent.. Wala naman ata manager namin bukas kaya medyo relaxed lang. Sana talaga gumaling na ako.. Anyway dahil nga sa hinihika ako ngayon, pagkatpos naming kumain, si kenny na ang bahala sa baon at sa pagliligpit sa labas. Ang dami ko tuloy oras hehe. Nakapag basa basa naman ako ng mga blog. Ung isang blog nga ng dormate ko na finafollow ko, napublish na pala sa mga newspapers at binablog din siya ng ibang bloggers (i mean republished by other blogs). Ang galing no? A part of me ay gusto din ma publish pero I feel that my writing is too much a part of me, na hindi ko pa kayang idivulge sa ibang tao (or sa madlang people for that matter) what I really think on the inside of me. I don't know. Pero pangarap ko din dati ang ma publish alam mo yun? Kahit nga sa school paper tinry ko din kaso wala namang nangyari.. Ewan ko ba, kaya nga cguro dito na lang muna ako sa personal blog ko para malaya akong sabhin ung gsto kong sabhin.. Anyway cge dito na muna. Just have to rest for now.

Comments

Popular Posts