New year, new work

I started working again this year. It's a part time job very similar to my first job sa Salvos. Medyo malayo nga lang at halos abutin ako ng 2 hours sa byahe. I'm still convincing myself na it's not that bad. It's not as if sobrang hirap ng byahe ko like nung nasa Pinas ako. Though nangyari din un one time nung Monday lang ( dahil sa bumagyo nung Sunday, 4 hours ang byahe ko at siksikan to the max!) Anyway, mabait naman ung boss ko at maliit lang ung office namin. Actually, parang Auburn feels nga siya e. Dahil second job ko na to dito sa Au, may nacocomparan na ako unlike before hehe. Bale may kasama din ako sa team na mga partimers din. Wednesday lang kame nagkikita kita 3. Ok naman siya at magaan naman ang feel dun sa office. Minsan nga lang shempre naiisip ko ung dati kong work, namimiss ko din na mag code at mag "isip", pero un nga darating din ung time na un, antay lang. Dami ko pa din naman dapat asikasuhin e, like ung database ko sa Project A, hindi pa tapos, tapos mga website, mga marketing etc.

Anyway, si Caleb ay nagddaycare na din. At first, grabe daw ang iyak sabi ni Kenny. Hindi ko din cguro kaya kung ako ung nagddropoff. Pero ngayon (3rd week na niya), medyo ok na siya. Minsan nga siya pa nagsasabi kay Kenny na punta na si Kenny sa work. Three days lang naman ang aming "work-daycare" week at 4 days weekend. Parang ngayon na nasubukan kong mag parttime, natutuwa din ako. Parang bago ka pa sobrang mapagod/mabagot sa week mo, tapos na agad hehe.

Anyway, simula pa lang naman ito. Hopefully ay maging smooth sailing naman at wag kame magkasakit tatlo lalo na si Caleb.

Comments

Popular Posts