Quick Philippines Trip

Last week (Aug 1) ay bigla kameng napauwi ng Pinas. As in biglaan. Namatay kase c Uncle (uncle ni Kenny). Tipong Tuesday nangyari at Thursday asa Pinas na kame. Madaliang impake lang at madaliang book ng ticket. Mga 8 days din kame dun.

Pagdating namin dun, sa Project 4 na kame dumiretso. Kinabukasan pumunta kame sa wake sa Loyola Commonwealth. Nameet naman namin dun ang mga kamaganak. The next day, Saturday, libing na un pero hindi na kame pinasama ni Kenny kase anlakas nga ng ulan. So asa bahay lang kame pero nung mga lunch time, sinundo naman kame ni Kenny para makipag lunch sa Chinese Restaurant kung asan lahat nung mga family. After nun, nag SM kame dahil bumili kame ng carseat at high chair (ang hirap ng wala nun!). Anyway, nung Monday naman, lumipat naman kame sa Las Pinas.

Tuesday, pumunta kame ng elbi para bisitahin din ung dorm na pinapatayo namin. Kasama namin si Ma Inday at si Grace. Mga 3 hours din ang byahe namin. Buti na lang at hindi pa masyado bumuhos ung ulan nung andun kame. Naikot naman namin ung dorm, at nakapag video pa. Nakausap din ni Kenny ung foreman. Naglunch kame after sa dorm at after lunch naman ay hinatid namin si Grace dun sa freedom park dahil gusto niya mag practice ng kanyang futsal. Bumalik kame ulit sa dorm para maghatid ng pameryenda and then uwi na.

Wednesday naman ay parlor day. Nagparebond ako at si Kenny naman ay nagpagupit at nagpakulay ng buhok. Thursday ay coding ung sasakyan na hiniram namin kay Daddy Alex kaya nagswimming na lang kame sa may clubhouse. Umuulan pa nga nun (the whole time ata na andun kame, maulan). Pero ok lang sandali lang naman kame mga 15 minutes lang ata. Enjoy pa din naman si Caleb kaya ok na din. Nung gabi, nag Shakeys na lang kame lahat para pambirthday celebration na din namin ni Kenny.

Friday ay nagbyahe na kame papuntang Project 4. Sobrang lakas ng ulan. May bagyo ata. Akala ko nga ma cancel ung flight namin e, buti na lang nung gabi medyo humupa na din ung ulan. Nung flight namin, buti na lang at nakatulog din si Caleb.

Sobrang bilis lang ng trip na to pero ok na din, pang break ng monotony. Muntik pa nga na hindi kame sumama e, si Kenny na lang. Buti sumama kame hehe.

Comments

Popular Posts