Post holiday
Wow ang bilis talaga ng panahon. February na pala! Anyway, it's been a few weeks since nakabalik kame dito sa Australia from our holiday sa Philippines. So first things first. How was Caleb sa flight. Actually medyo mas nastress pa ako thinking about it than what actually happened. Going to the Phils, sinunod lang niya ung nap times niya. Nag nap siya twice cguro mga tig 1 hour each and then the rest of the times nag pakain ako at naglaro laro siya sa sahig. Pag inaabot na siya ng sobrang iiyak na, ibbreastfeed ko na siya para kumalma. Nung mga last hour na lang ng flight namin siya medyo nag sumpong cguro kase pagod na din at gabi na un.
First of nagstay kame ng 1 week sa QC. Wala kame mashsdo nagawa since umuulan ng madalas kaya sa mall lang kame pumupunta. Hinanda din namin ung mga loot bags para sa bday ni Caleb sa Gentle Hands orphanage. When new year came, lumipat naman kame sa LP, para sa side of the family ko naman. Si Caleb ay ever so clingy (which is normal since different environment lahat ito sa kanya). Dumating din si Timmy from Canada. And then January 6, bumalik kame sa QC para sa birthday celebration ni Caleb sa Gentle Hands orphanage. Masaya naman at maraming bata. Nag games din kame at may mga sayawan. Parang naka choreograph na nga ang mga bata dun. Cguro madalas sila magpresent hehe.
That night, nag check in na din kame sa Astoria, ginamit namin ung 1 week allocation namin for last year. Hindi naman kame nakapagswimming pero keri lang. Nagpicture picture lang kame sa may pool. Nagpunta din kame sa mga malls gamit ung shuttle nila. May outing din nga sana kame sa los banos para magswimming kaso nagkasakit naman si Caleb kaya hindi na kame sumama. Sila mama na lang at lahat sila sa LP ang pumunta. Sayang hindi kame nakasama.
After ng Astoria, pumunta naman kame ng Cebu. Pumunta kame ng Mandaue sandali para makipagkita kanila Tatay Dinoy at Lola Tors. Medyo nagulat ng sila na dumating kame e. Anyway after that, nagcheck in naman kame sa Costabella Resort. Gagawa ako ng review nun in another post. We just spent 3 days and 2 nights sa Cebu. Ok naman si Caleb sa flight buti na lang katabi namin si Mama Inday, nilalaro din siya.
Anyway, we had a very productive and busy "bakasyon" sa Pinas. Of course, andyan na ang mga kita-kita with relatives and shopping galore. But most importantly, we scouted for a contractor. Kaya may mga days na yan lang inaatupag namin ni kenny tapos pagmemetingan naman after kung ok ba. Mga 2 lang naman ung kausap naming contractor. Ung isa, ka classmate ni Tita Odette kaya nameet namin agad sa QC pa lang. Ok naman siya, akala ko nga siya na ung kukunin namin. Sobrang mahal ng presyo nila pero inisip namin baka ganun na talaga. Anyway, kinontak din namin ung isa pang contractor na nakita ko sa FB. Sumagot naman agad at nakipagkita kame dun sa Architect nung pumunta kame ng LB. Mineet din namin for the second time ung first contractor dun sa LB para mameet ung Architect nila at ipakita din ung site. Kasama namin si Caleb at sobrang nastress ako dahil ang likot ni Caleb at well grabe talaga. Kasama namin si Timmy nun, nastress din ata si Timmy hahaha. Anyway, nung pabalik na kme dumaan kame sa San Pedro para magdinner kela Nanay Adrienne. Tapos uwian na talaga sa Las Pinas. It was a verrryyyy looonnggg day hahaha.
The rest of the days were spent shuttling from QC to LP and also makipag meet sa mga contractor sa Las pinas na lng. Goal kase namin makapirma ng contrata before kame umuwi kaya nung Monday na huling week namin dun, pumirma na kame. Si second contractor ung pinili namin. Bukod sa mas mura sila sa full finish, we felt na leading din ni Lord sila ung kunin namin. Sobrang pinagpray din namin na to guide us in making this decision since big deal talaga ito sa amin.
Ayun so after ng pirmahan ng Monday, Tuesday ay flight na namin kaya pumunta kame sa QC na dahil sila ang maghahatid sa amin. Nakapagsingit pa nga ako ng footspa dahil alam mo naman wala ng ganun dito (or sobrang mahal). Medyo madami ng tao sa pila namin sa airport kaya konteng natsress na din ako baka mag sumpong na si Caleb pero buti hindi naman. After namin mag immigration, kumain muna kame tapos binihisan ko na siya ng pantulog. Nilagay siya ni Kenny sa carrier at ayun nakatulog na. Mga last 2 hours before landing na lang siya nagising, pinakain lang sya at naglaro konte at before you know it, andito na kame. Ansarap nga ng tulog ko din nun e. Si kenny ang hindi nakatulog since asa kanya si Caleb binantayan daw niya buong gabi.
So ayun tapos na ang bakasyon, til next time na naman.

Comments
Post a Comment