Caleb will be turning one soon

Ang bilis talaga ng panahon. In a few weeks time, we officially have a one year old. Kahit nga ngayon toddler na talaga kumilos c Caleb. Gone are his newborn baby ways. Minsan nga naiisip ko, namimiss k ung sobrang baby siya (though not the puyatan..), parang hinahanap hanap ko yun? Ewan ko ba, dati pag sinasabi sa akin yan, in my sleep deprived state, parang gsto ko na lang bumilis ung panahon, pero iba pala talaga ano, kase hindi mo na mabalik ung ganun sila kaliit.

December na at busy na ang mga tao sa Christmas. Kame siguro, isa lang mapupuntahan namin this saturday sa small group. Hindi nga ata kame makakapanuod ng Christmas Spectacular sa hillsong e, busy si Kenny sa work. Kame ni Caleb dito ay chill lang (or not, ang init e). May routine na kame ulit. Medyo nagttransition na siya to one nap a day (midday) kaya medyo nangapa ako this past few days nung pinapatulog ko pa siya ng twice a day. Pero all good. Nagpapractice na din talaga sya maglakad, alam namin na kaya na nya tumayo magisa e pero hindi pa siya mashado confident. Lagi pa din niya hinahanap ung kamay namin or kung may iba siyang makakapitan. Ayaw ko ding madaliin dahil at least ngayon hindi pa siya mahirap habulin. Nakakapag salita na din ng onte si Caleb, nakakpagsabi na siya ng mama at "ba". Ung ba ang tawag niya kay kenny. Feeling ko "be" un e, kase naririnig niya ako pag tinatawag ko si kenny na be kaya ginagaya niya. Ang ingay nd in niya (nangigil minsan). Meron na din siyang close open (twinkle twinkle), align, apir, aprub, Amen (tinataas niya ung both arms), stomp your feet (pero kung asa mood lang). Nakakatuwa na talaga siya ngayon mashado na siyang responsive. Madalas din kame magbasa ng books. Bago matulog o kaya kahit playtime. Natutuwa ako at nasanay siya sa mga books. Kahit maraming toys, punupuntahan pa din niya ung mga books e.

Gusto ko nga din magpractice na magbyahe na kameng dalawa lang. Nakapag bus naman na kame going to Westfield Parramatta at sa ALdi. Parang ang lapit lang ng Aldi kung iisipin pero medyo nastress ako haha, tumama pa ung likod ko sa handle sa bus ansakit! Napagtagumpayan naman namin in fairness. Ang gusto ko kase maging confident ako at confident si Caleb pag kasama niya ako kahit saan kame pumunta. Siguro more practice pa. Wala lang ako mashado maisip na pupuntahan e hehe. HIndi ko sure kung keri ko na siyang dalhin sa city hehe.


Anyway, malapit na din kame magbakasyon. Parang angdami namin dapat ayusin pero parang wala naman ako ginagwa pa. Medyo na ischedule ko naman na ung sa Gentle Hands (kung saan namin balak mag bday si Caleb) kaya ayun. Magbbulk order lang kame sa Jollibee para sa mga kids sa orphanage. Nagbook din ako ng Astoria na 1 week stay so after ng bday, dun kme magstay. Nagsched din kame ng uwi sa Cebu para magpakita kanila tatay dinoy at nagbook na din kame ng resort dun, un na ung pinaka outing namin. Exciting din kase kasama namin si Ma inday at Timmy. Sana maging ok naman ung byahe namin. Kinakabahan pa lang ako dahil first time n Caleb sa plane pero sana maging ok naman ang lahat.

So dito na lang muna.. update kita sa aming bakasyon next time..

Comments

Popular Posts