Caleb (first four months)

Ambilis talaga ng panahon. Actually, almost 5 months na si caleb a few days from now. Medyo nakakuha na din kame ng routine sa umaga at sila ni kenny sa gabi. There are still nights (and days) na medyo mahirap at sobrang puyat at pagod pero nakakakaya naman. Sobrang dasal lang talaga na tama ung ginagawa namin sa pagpapalaki sa kanya. Nakakatuwa siya lalo na pag nakikita mo talaga at naoobserve ung mga developments niya, physically, emotionally, mentally etc. Parang nakikinig na din nga siya sa amin e. Pag pinagsasabihan ko, tinatry talaga niya na gawin ung sinasabi ko. Medyo hirap pa din sa pagtulog since hindi pa siya marunong matulog mag isa. We tried CIO method nung nag 4 months siya, pero hindi umobra since nabigla ata kameng lahat. So ngayon medyo dinadahan dahan namin sa changes sa kanyang sleeping routine. Otherwise, ok naman siya, konteng ubo lang (parang every week kame asa GP dahil sa ubo niya pero sabi naman nothing to worry about). Anyway, masaya ako na I get to spend time with him dito sa bahay since I'm too well aware na a lot would change when I go back to work full time. Konteng buwan na nga lang e. I don't know how I will cope pero sana maging ok din naman. Hindi naman siguro ako ang first na nanay na magttrabaho at maiiwan ang anak sa bahay diba? Buti na nga lang at pupunta dito sila mama para alagaan cxa for 6 months. Hopefully makakita pa kame ng magaalaga sa kanya after nun para hindi sana ma daycare. Pero matagal pa naman yan, saka ko na cguro iisipin. Anyways, ito ung mga pictures niya for his first four months

1 month


2 months


3 months


4 months




Comments

Popular Posts