Ang pasko ay (malapit nang) sumapit

Yey malapit na magpasko! At ang init na din dito! hehehe.. But unlike our previous Christmases, we are planning to go home for the holidays! yipee! Naghahanda na din ng mga dadalhing pasalubong, though hindi pa complete since ang dami pa din naming ginagawa. Busy pa sa work at sa pagtapos ko ng course ko. Isang assessment na lang. Sana matapos ko na, para holiday mode na. Hmmm ano nga ba ang mga holiday traditions namin dati? Kase kame ni kenny, usually we have dinner sa bahay at mag skype sa pinas. Pero nung asa pinas pa ako usually magluluto sila mama, tapos manunuod kame ng tv habang nagaantay ng 12. Tapos kakain na ng noche buena at gift giving. Masaya din pero wala talaga kameng program or something. Maganda sana kung merong program ngaun no? Mag prepare kaya ako? Ung may talent portion din tapos may prizes. hehehe.. Ang traffic siguro sa pinas pag uwi namin lalo na at pasko. Un ang hindi ko nillook forward to hehe. Kung pwede lang iskip ung part na traffic e. hehe. Gusto ko pa nman pumunta sa mga mall, paano ko kaya gagawin un ng hindi ako mattraffic? Ang isa pang gusto kong gawin e ung makapag out of town. Kahit ndi naman mashdong malayo basta may sama samang trip lang. Naisip ko nga ung hundred islands. Kaso ndi ko pa sure kung mag push through kase ang daming schedules na icoordinate e. At gusto ko ding kumain sa jollibee, Dencio's, Sizzling steak (sa foodcourt), sa Mang Toto's (sa elbi) at marami pang iba. hehe. Sabi nga ni kenny ultimate food trip daw un. Isama na din natin sa list of activities e ung mamili ng damit na dadalhin pabalik dito. Since mas mura naman doon, mas okay mag shopping dun diba? At wag ding kalimutan ang mga reunion sa different sets of friends and families. Marami yan lalo na at end of year at maraming uuwi galing abroad. Dati winiwish ko lang na sana makauwi kame ng pasko. This year, Godwilling, mngyayari na talaga sya. Eggzoited much na ba ako???

Comments

Popular Posts