6 weeks to go

Wow may countdown talaga? Hehe. Pag napapatingin ako sa calendaryo parang naiisip ko na malayo pa yan, pag tapos na siguro pasko at new year mararamdaman ko na na malapit na talaga. Kaso naisip ko din naman na baka pag naramdaman ko na nga ayan na, aba bukas pala e aalis na kame. hehe. Anyway, malapit na magsabi si kenny sa boss niya kung pwede ba siya magpatransfer sa Australia. Matagal na naming pinagppray to, pero eto na talaga at dumating na ang week na magsasabi na siya. Nakapunta na din kame sa banko para maasikaso na maging international ung debit card namin. Tapos nagtanong na din kame sa at&t kung magkano ba ung penalty namin since ndi nga namin matatapos ung contract. Pero saka na namin bayaran pag malapit na talaga. Siguro mga a week before. Good thing lang ay we get to keep our phones. Parang feeling ko nga we're starting to tie loose ends here. Pero thankful ako kase hindi katulad nung nangyari sa amin last year na parang biglaan kailangan naming umuwi, at least ngayon nakakapag handa kame. To God be the glory talaga.

Comments

Popular Posts