A trip to the Ivy League Schools

Last Thanksgiving weekend, pumunta kame kay Jany para sa aming Boston trip. Natulog na kame doon sa apartment niya para maaga kame makaalis kinabukasan. So mga early the next day, mga 7:30 am, we went on our way to Boston. Medyo mahabang drive din siya mga 2 hours away from Hamden. Nagka speeding ticket pa nga si Rajany, medyo nanerbyos din ako ng konte. Pero parang wala lang naman sa kanya, naka getover naman siya agad.
So anyway pumunta nga kame dun sa Harvard Square Park. Hinanap namin ung statue ng founder at nagpapicture. Tapos picture picture na din sa lugar. Maganda dun, feel na feel mo talaga na distinguished na mga tao lang nakakaaral dun hehe. Medyo konte nga lang din ang tao kase Thanksgiving weekend malamang nagsiuwian ang mga students. Mukhang mga undergrad ang mga students dun sa napuntahan namin e. Kase parang hiwalay pa ung School of Medicine at Law e.
Anyway, after that namili naman kame ng souvenirs at ang tagal namin dun kase ang hirap pumili e. Nakabili naman ako ng shirt at si Kenny jacket ng Harvard kahit mahal. hehe. Minsan lang naman. Tapos nag lunch naman kame sa BonChon. Parang ShabuShabu style pala un. Masarap naman ung nakain namin kahit sobrang anghang nung chicken hehe. After that drive home na. Medyo natrapik kame pero ok lang. Nauubusan na nga din ako ng kwento e. At pigil talaga ko sa antok kase ayoko makatulugan si Jany kase parang inaantok na din e.
When we arrived sa New Haven, pumunta naman kame sa Yale. Konteng picture na lang since pauwi na kame. Tinry nga di pala ni Jany kung gagana ba ung id niya dun sa pinto ng dorm dun sa Yale aba gumana nga! hehe.. pero hindi na kame pumasok kase baka masita kme e. So mga 1 hour lang kame nagtagal dun sa Yale. After nakabili ng souvenir na ref magnet. hinatid na din niya kame sa train station at umuwi na din kme. Haba ng byahe namin. Four states ang nilakbay namin in 1 day. hehe. Kapagod pero masaya din kase minsan na lang kame makabyahe e. Ok til next time!

Comments

Popular Posts