masayang mga bisita

wow, it has been a hectic 3 days since friday. natuloy na din ang months in the making na paghahanda sa pagbisita nila mama, tita rupert with family and tita lea and tito fred. Kasama na din dun ang pag attend namin sa kasal ni kuya marc. Ang saya namin especially sa mga pasyal sa NY na ako ang nag tour guide. Parang reunion na talaga ang nangyari cause these are the people that I had memories with nung bata pa ako, and sa mga lakad namin sa bicol/ baguio/ boracay. Thank God at nairaos namin ni Kenny ang lahat. Mukhang ayos naman at naging comfortable naman ang stay nila kahit na record heat nung friday at saturday.

Ngayon, back to reality naman na, naglinis na ako at naibalik na ang bahay sa dating ayos. For a time parang nasanay ako na madaming tao dito hehe. After all that parang natanggap ko na, na taga dito na ako, na bibisita na lang sila mama. parang ganun? parang may closure of some kind, pero opening na din. Opening na for a future. I'm excited sa mga susunod pa na mga bisita, or baka kame naman ang bumisita doon. Hopefully soon.

Comments

Popular Posts