december musings

hi hello ulit.. kmsta?

super antok naman ako ngaun. ndi na kase ako nakatulog after umalis c K kase nag antay ako nung mag aayos ng sink at nung delivery ng package na ndi ko makuha sa post office kahapon.. as of now, dumating na ung tubero pero ung delivery wala pa rin. so ayun nag antay pa din ako..

kanina sa news sa tfc, binalita na bago na daw itsura ng pera sa pilipinas. wow parang nagkatotoo na ung sinabi ko dati a? nung bago pa ko pumunta dito? kase napagkwentuhan namin ni K na baka pag uwi namin iba na pera dun hehe.. aba at nagkatotoo nga. pero tatanggapin pa naman daw ang lumang pera hanggang 3 years from now. Kaya dapat magamit na ung pera na nadala namin dito or maipadala man lang sa pilipinas para ndi naman masayang diba? kase may kwento sakin dati ung auntie ko na ung uncle daw nila pag alis ng pinas martial law pa, e andaming dalang pera tas pag balik wala ng value ung dala niyang pera. sayang naman diba? kaya nga naisip ko talaga ung pera nadala namin dito e. Ndi naman kalakihan pero lam mo yun sayang naman kung mawawalan na lang ng value or something?

napag uusapan namin ni K na umuwi sa december next year. Na eexcite na nga ako e. Grabe parang pinaplano na namin ung bakasyon namin hehe.. pero wala pa namang certainty ang lahat. Nasa Diyos naman ang lahat ng certainty diba? Pero wala lang nakakatuwa lang isipin ung pag uwi, nakakadagdag lang ng kasiyahan at hope hehe.. At aba nalaman k lang kanina na may balak pala umuwi ung kapatid ko sa May. Shalan! hehe.. pero I'm happy for him din kung kaya ba niya ang pamasahe e diba? bakit ndi? masaya umuwi e..

grabehan na ang lamig dito pero ndi pa naman nag snow ng todo. pero ndi din ako excited sa snow na todo hehe.. kung pwede lang nga spring na lang lagi? or fall? ung early fall lang ha..

anyway, ndi ko alam kung bakit madalas pag kaharap ko na ung search engine sa computer e nakakalimutan ko na kung ano ung dapat kong isearch? pero kung na off k na ung computer ko naalala ko naman? anuberr..

nakabili na din nga pala kame ni K ng gift niya para sa Christmas. kase kailangan daw kasama siyang bibili e? hehe.. so ayun nung pag uwi namin ako naman tinatanong niya kung ano daw gsto ko? e ayaw ka nga sana mag sabi kaso baka gumastos na lang din naman siya kaya nag request na lang ako? hehe.. pero ung mura lang naman wag naman ung sobrang mahal.. wala lang matagal ko na gusto sana mag karon ng ganun e? secret muna kung ano yun..

so til here na lang muna.. 9 days til christmas!!! Merry Christmas to you!

Comments

Popular Posts