Almost at the end of the calendar

Malapit na birthday ko, at maulan na naman the whole week. Pero hopefully it wouldn't rain on my birthday cause we are planning to have a day out. Anyway, malapit na talaga ko sa end ng kalendaryo as they say. Pero sabi ni kenny ok lang may lotto pa naman daw hehe. Feeling ko antanda ko na pero ok lang mas matanda pa din naman siya hehe. Anyway, I just received the news na natanggap ako dun sa inaplayan ko sa work. Doon pa din naman pero medyo step up lang ng onte. Magsisimula na din nga ung bago naming manager sa monday kaso wala si Ben so malamang ako nman ang mag iinduct sa kanya hehe. Medyo serious mode na naman kame tama na muna ang relax sa trabaho hehe. For a time there medyo nasanay na nga kame ng walang manager e, pero well ok na din naman na meron.

Nasilip nga din pla na marami pa akong annual leaves. Hindi ko nga alam na hanggang 30 lang pala un e so kung may sobra gamitin na daw. E may bakasyon naman kame next month kaya magagamit naman ung iba pero sbi nga ni Ben baka pagdating nung time na un, maging 30 na naman daw ung leave ko. Sbi ko nga sa sarili ko e ansarap namang problema nyan, dapat kang magbakasyon. Basta ba may trabaho pang babalikan e why not diba?

Medyo excited na din ako sa trip namin next month. First time namin na bibisita sa isang country na hindi naman kame mag mmove doon. Ung tipong tourist mode tlaga. Medyo late bloomer na kase kame ni kenny sa ganito e, dati hindi naman talaga kame ma travel, pero noong bata ako mahilig kame magtravel as a family e though local nga lang. Pero masaya din e, pang break lang ng monotony ng buhay. Actually kameng 3 sa office puro bakasyon ng ang pinaplano namin e. Sabi ko nga yan ang napapala pag mashado kang maraming oras para magplano. Kase kung busy naman kame ndi nman kame makakapag plano ng mga lakad e. Pagkatapos nga ng mga holidays naman e, almost end of the year na. Doon pa lang cguro matutuloy ung Luna park namin hehe.

Anyways, cge hanggang dito na lang muna. Update na lang kita laters..

Comments

Popular Posts