August Updates
It's been awhile since I last wrote. Bumalik na naman ang lockdown dito sa amin. So far, naka 2 months na kameng lockdown at mukhang hanggang november pa ata ito. Ang pinaka malayo ko na atang napuntahan e ung 2 blocks from here pag nag walking kame. Kame naman ni Kenny ay work from home ulit. Ok naman sa akin dahil hindi ko na kailangan bumyahe. I have to admit nung medyo malapit na magwinter at kelangan kong bumyahe papuntang north ryde ng sobrang aga, medyo mahirap din. At si Caleb din andalas magkasakit dahil sa daycare. Buti ngayon na andito lang kame sa bahay (hindi muna siya pumapasok), medyo nakapahinga sa sakit.
Anyway, workwise, ok naman. Hindi pa naman mashadong busy kaya nag leave ako ng mga Mondays. Cguro mga 8 weeks na din na ganun. Ok din namn na may pasok ako, pang break ng monotony. Panay pa din nga ang apply ko sa iba't ibang trabaho. Kaso sabi ko nga kay Kenny, parang hindi ko pa makuha ung Ikigai ko. Parang laging may kulang o hindi pasok sa requirements. Nakakapag interview naman ako. May pumapansin naman hehe.
Pero may latest akong inaplayan, sana maging ok kase excel lang siya e.
Calebwise naman, habang andito siya sa bahay, nag aaral din kame ng reading , pratice writing, science experiments at iba-iba pa. Na eenjoy niya talaga ang mga experiments namin, siya pa ang kumukuha ng mga materials! Ung sa reading din nakita ko mabilis ang pick up niya and sometimes, kaya na niya mag read ng mga words sa mga books na binabasa namin. Sa writing naman, needs more pratice a. Parang mas keen siya sa reading kesa sa writing.
Kame din naman ni kenny ay nagpaplano na mag pa preapproval ng loan. Wala pa talaga kame concrete steps ni ginagawa other than magtanong kay Froi at Misel. Sabi nga ni kenny tanungin k na ung broker na refer ni Froi. Medyo na analysis paralysis ata kame.
Sa TD and D naman, medyo may steady stream naman ng work na pumapasok. Tinutulungan ko din si kenny sa konteng stuff. Medyo nagpapractice na nga ko ulit mag Autocad. Minsan nga nakapag send pa ako ng work kay Ate kase sobrang dami ng kelangang gawin. Buti napasa naman na un.
So, hanggang dito na lang muna. Wala mashadong kwentong pasyal kase un nga "bawal lumabas". Hopefully matapos na din itong outbreak na ito. Godwilling.
Comments
Post a Comment