Hello 2020!

Just like that, it's already half of January gone. Ang bilis talaga ng panahon. Just a recap of our holidays.

We went home to the Philippines last Dec 25 to celebrate Christmas and New year with family. Nakakatuwa din kase Caleb is already talking now kaya nakakapag interact na talaga siya with other people. Mas ok din siya sa flight this time around kase nag dala kame ng car seat at ng maraming activities and snacks.

Anyway, nag Christmas program kame sa Las Pinas. May pa song and dance contest si Timmy kaya lahat ay game na game na sumali dahil may price. Shempre kame din sumali. Nakakatuwa din naman. After nun pumunta kame ng LB para bisitahin ung Project A. Hindi pa siya mashadong tapos talaga unlike sa inaasahan namin pero marami din naman kame nagawa dun. Ilang beses din kame nagpabalik balik sa LB para magpuno ng mga gamit, mangausap ng mga tao (accounting, foreman, interview ng caretaker) at magready para sa blessing. Ung blessing ay ginanap noong Jan 11, bago kame umuwi. Ang nakapunta lang ay ung family namin (though wala si Mama Loi at Keith kase nagkasakit si Keith), plus sila Papa Edring at Mama Luz at Ate Dory at Ate Kate. Andun din ung accounting, caretaker, carpintero, sila sir Edwin (contractor) at Dean (Architect). Buti may nainvite din si sir Edwin na pastor kaya ok naman na hindi na kame nag invite. Here are some pictures:







Wala kame mashado naging outing since puro trabaho ata kame dahil nga sa finishing ng project A. Nakapag Ace Water Spa lang kame one time with Nika and Keith at nakapag Hills Spa pagkatapos ng Blessing sa dorm.

Medyo may konteng surprise din ung paguwi namin dito sa Sydney since pumutok ung Taal Volcano, ang daming nacancel na mga flights. Buti na lang nakalipad pa kame.

Since andito na kame ngayon, malapit na din ako magstart sa work at si Caleb sa daycare. Sana talaga ay hindi siya magkasakit (post holiday) at sa pagsimula niya sa daycare. May konteng worry din pero mas marami atang excitement. hehehe.

Overall, exited na ko for what 2020 is bringing us. God has already planned it out kaya Siya na ang bahala. We'll just live through ung mga plano Niya.

Comments

Popular Posts