Quiet desires

Since i have some time today, naisip kong mag blog ng konte..

Anyway, mga January last year may nareceive akong Word from the Lord. Hindi ko muna sinabi sa iba, nilagay ko lang cxa sa journal ko. Un ay ung promise ni Elisha dun sa Shunammite woman from 2 Kings 4. Ang backstory kase nun e, ung Shunammite woman ay naging hospitable kay Elisha na isang prophet kaya pinatanong ni Elisha dun sa assistant niya kung may gusto daw ba ung Shunammite woman na favor na pwede nilang ibigay. Sabi naman nung Shunammite woman, ok lang daw siya wala naman na daw siyang kailangan pa. Nung tinanong naman ni Elisha ung assistant niya, sabi nung assistant niya wala nga daw anak ung Shunammite woman tska ung asawa niya, kaya pinatawag niya ung Shunammite woman tapos sinabihan siya ni Elisha, This time next year you will embrace a son. Sabi naman nung Shunammite woman, parang please wag mo ako paasahin ng ganyan. Pero true enough, next year nanganak nga siya at nagkaroon ng anak ng lalake.

Pag naiisip ko ung reaction nung Shunammite woman, ang nakita ko dun e ung parang minsan sa buhay meron tayong mga desires na we don't even dare say out loud. Ung sa iyo na lang. Ung parang imposible naman e kaya sasarilinin ko na lang. Or you might say it to a few people na sobrang close sayo pero ung hindi mo naman sinasabi kahit kanino lang. Un ung parang quiet desires natin. Nakarelate ako dun sa kwento nung Shunammite woman. Kaya nung nabasa namin ung word na un, it hit a chord in my heart. Tapos kinabukasan asa office ako, nakikinig ako ng preaching, un na naman ung word. Napatanong ako, sabi ko Lord, para sa akin ba to? Kaya I took that word to heart. Medyo nag compute na nga ako e, sabi ko sa sarili ko ibig sabhin mga March last year, buntis na ako, kase January dapat may anak na ako, going by what the word said diba? Pero ayun nga dumating ang March last year, dumating na din ang January, wala naman. Pero alam mo kahit ganun ung nangyari pinanghawakan ko pa din ung word na un. Alam ko na ung word ni Lord does not come back to Him void, it will accomplish what it was sent to accomplish kaya alam ko na magkakatotoo un. True enough, nung March this year, I became pregnant. At sa simula pa lang alam ko na boy ung dala ko. For the longest time, akala ko ndi ko na masasabi yan e. Kase like the Shunammite woman, un ung isang desire ko na quiet na lang ako. Medyo naooffend pa nga ako e pag ibang tao, they're stating the obvious na, o wala pa kayong anak. Pero deep inside, pag nakakakita ako ng mga mag asawa na may anak, o ung mga friends ko sa FB na may bagong baby, minsan, tinatamaan din ako. Hindi naman sa hindi ako masaya para sa kanila pero parang may konteng, sana ako din. Kaya kahit na masaya ako na andito na si baby sa tummy ko, ayoko namang maging naive sa nararamdaman ng iba na might be on the same boat as me last year. Kase nakakarelate talaga ako sa kanila.


Pero alam mo na ngayon na andito na nga si baby sa tummy ko, I can't help but be amazed sa lahat ng plano ni Lord sa buhay namin. OO nga medyo 8 years na kameng kasal bago kame nagkaanak pero tingin ko kinailangan din un para mag mature kame, maka build din ng foundation, makilala namin ang isa't isa, kung paano ba kame kung may crisis, paano ba kame pag ok ang lahat. Yung ganun.

At isa pa sa naaamaze ako e ung kahit na ung quiet desires natin na we just mutter to ourselves, naririnig pala ni Lord un no? Ung nakikita talaga Niya ung ano no ung asa heart mo? Ang sweet talaga ni Lord no? Ganun Siya magmahal sa atin, napakapersonal.

Now hindi ko naman sinasabi na kung andun ka pa sa season of waiting, ung hindi mo pa nakukuha ung desires ng puso mo, hindi ka mahal ni Lord, asa kanya tlaga ang timing at shempre Siya pa din naman nagdedecide kung ano ang para sa atin at ano ang hindi. Sa totoo lang buti na lang at hindi binigay ni Lord sa akin lahat ng ginusto ko dati kase with the benefit of hindsight, narealize ko din na may mas maganda palang plano si Lord for me.

Konteng weeks na lang ang antayan, at ma eembrace ko na talaga si baby. Sabi nga sa Word, I would embrace a son. Naiimagine ko pa lang, naiiyak na ko e. Napaka faithful ni Lord talaga.

Comments

Popular Posts