Melbourne Adventure
Wow February na agad! Sobrang bilis ng panahon. Nag new year celebration kame with Misel and Froilan sa Ball's Head, Waverton atop a rock and waited for the fireworks display. It didn't fail to amaze me. Sobrang ganda!
Anyway on to my topic. Nag Australia day din last weekend at pumunta kame kanila Denmark (college friend) sa Melbourne. Masaya naman at nakapag bakasyon kame ng sandali. Nung first day (Saturday), punta sa city, sa tennis arena (kase Australian open), nag bike around botanical garden (grabe first time ko ulit nakapag bike in 10 years!), nagkwentuhan sa may lake at umuwi na.
Second day, nag long drive papuntang Lorne beach. Naligo din kame sa beach. Anlakas ng alon. Kasama namin si Janine (Den's sister), ang haba nga ng kwentuhan namin.
Pagkatapos akala ko pauwi na kame pero pupunta pa pala kame sa 12 apostles. Gusto ko talaga makita un kase un lang ung nakikita ko sa mga magazines or mga pictures ng melbourne e. Kaya nakita namin un tapos bumaba din kame sa beach mismo (Gibson's steps)
Ang saya ng road trip. Masayang kwentuhan. Parang college lang ulit. Tapos long drive na ulit pauwi. Pero meryenda muna.
Sobrang puyat at pagod kame. Nanuod pa kame ng laro ni Nadal at Wawrinka na nirecord para sa amin. Hehe. 3 am na ata kame nakatulog. At dapat ay 5 am e magising na kame kase maaga ung flight namin. Buti na lang at walang pasok kinabukasan. Pagkauwi dito, ayan pahinga pahinga din. Hanggang sa susunod na bakasyon.
Comments
Post a Comment